The Mind of a Tornado,
This blog is for my thoughts and stuff I want to rant, talk, and share about
find what you need
Friday, February 4, 2011
BADAF
Sunday, January 23, 2011
Love ain't easy as 1 2 3 and a b c
Thursday, October 28, 2010
Because it ends...
“Ako’y bigo! Lahat ng aking mga pinagplaplano ng labing tatlong taon, nasayang! Anong halaga ng pagiging pinakamayamang tao sa buong Pilipinas kung ang aking minamahal na si Maria Clara ay namatay na! Hindi ko matatangap na namatay na ang aking minamahal! Ngunit, wala na akong magagawa. Wala na siya. Wala na ang aking natitirang kaligayahan ko sa impyernong ito!
Hindi ko na maibabalik ang mga panahon na siya ay nasa aking mga kamay. Ang mga panahon, na magkasama kami ay noo’y nagdadala ng ligaya at kasiglahan ayngayo’y mga alaala lamang. Mga alaala na kusang isang tinik sa aking dibdib na hindi matanggal. Sabi nila na lahat ng mga sugat, napapagaling ng oras. Ngunit sa pagisip ko palang sa mga alaalang ito parang akong namamatay isang daang beses paulit ulit. Mabigat ang aking puso’y na hindi ka kailanma’y mararamdaman muli ang iyong pagmamahal. Mga kamay na hindi na mahahawakan ang iyong mga palad at mahaplos ang iyong pisngi. Wala na! Wala na akong makikitang iba pang babaeng mas hihigit pa sayo. Walang babae ang maipapalit ko sayo! Ikaw lamang ang laman ng aking puso. Ngunit ikaw ay wala na!
Siguro, may naibunga nga ang mga araw mo sa kumbento. Siguro ikaw ay kasama na ngayon ng Panginoon sa kanyang palasyo. Ngunit ako’y nandito, nasa impyernong mundong ito. Puno ng mga buwaya at mga immoral na tao. Mga taong dahilan ng iyong kasawian at ng aking pagluluksa. Sila dapat ang dapat magbayad! Hindi ikaw! Ikaw, na walang bahid ng kasamaan, ang nagbayad sa mga kasalanan ng mga prayleng walang ginawa kundi pahirapan ang mga ating kababyan. Ang mga Prayleng hipokrito at mga makasarili. Sila dapat ang magbayad! Sila! Kaya ikaw ay aking ipaghihiganti! Hindi ko hahayaang mapunta sa bulag na katarungan ang iyong pagkamatay. Hindi ko iyong isasawalang bahala! Magbabayad sila!”